Introduction

 

 

 

Ako po si Allan Jay Marasigan, isang mag-aaral ng paaralan ng The Nazareth School. Ginawa ko ang blog na ito upang maipahayag ko at maibahagi ang aking mga naging karanasan sa dalawang linggo ng aking pag sasanay sa larangan ng pag-tatrabaho.  Bago ko ibahagi ang aking mga karanasan ay magbibigay muna ako ng kaunting impormasyon tungkol sa Work Immersion.

Ang work immersion  ay isang mahalagang katangian ng SHS Curriculum. Maaari itong isagawa sa iba’t ibang paraan depende sa mga layunin at pangangailangan ng mga mag-aaral. Nakalakip ang mga dokumento na may kinalaman sa pagpapatupad nito. Sa pamamagitan ng pagsasanay na ito, ay magagamit ko ang aking mga natutunan upang maging gabay para sa aking hinaharap. Sa dalawang linggong pagsasanay maraming bagay ang aking natutunan na maaari kong dalhin patungo sa hinaharap. Marami akong nakasalamuha na tao na maaari akong matulungan sa pagtupad ng aking mga mithiin. Sa dalawang linggo na aking pagsasanay ay nabigyan ako ng pananaw at inspirasyon para sa aking tatahaking landas.