Ang inaasahan ko pagkatapos kong makapag-aral ay gusto ko, na maging isa sa mga mamamayang naglilingkod sa bayan. Inaasahan ko na maaabot ko ang aking pangarap na maging bumbero, kaya gusto ko na maging bumbero dahil sa tulong ng aking pagsasanay magtrabaho. Nakatulong ang aking pagsasanay sa pagtatrabaho na magkaroon ng kaalaman at inspirasyon para makamit at maging pursigido na maabot ang aking pangarap. Bumbero dahil gusto kong maglingkod sa ating bansa at makatulong sa mga taong nangangailangan. Ang naitulong sakin ng aking pagsasanay magtrabaho sa CandleLight Cafe at sa CDIC, binigyan nila ako ng ideya kagaya nalang sa CandleLight Cafe ito ay nakatulong sakin sa pagpapahalaga ng mga bagay bagay. Yung kahit sa mga maliit na bagay ay dapat pahalagahan. Nakatulong din ito upang magkaroon pa ako ng kaalaman sa aking pinapangarap na trabaho. Sa CDIC naman, dito tinulungan din nila ako na pahalagahan ang aking kapwa at dapat mahalin. Dahil kahit hindi ko kilalala ang mga bata ay natutunan ko na pahalagahan sila at mahalin katulad ng pagmamahal ko sa aking mga kapatid. Ito ay nagbigay sakin ng kaalaman upang pahalagahan ko ang aking kapwa at ang mga taong aking matutulungan. Natutunan ko na makisama at respetuhin ang bawat isa sa kanila.
Dahil sa pagsasanay magtrabaho ay madami akong natutunan para maabot ko ang aking pangarap na maging bumbero at ang mga kaalamang ibinahagi sa akin ng mga ito ay isa sa malaking parte na nangyari sa aking buhay dahil ang mga kaalamang ito ay maaari kong ipamana sa aking magiging pamilya at hanggang sa aking pangalawang buhay.





