Blog Entry 10: My Hope and My Future

Ang inaasahan ko pagkatapos kong makapag-aral ay gusto ko, na maging isa sa mga mamamayang naglilingkod sa bayan.  Inaasahan ko na maaabot ko ang aking pangarap na maging bumbero, kaya gusto ko na maging bumbero dahil sa tulong ng aking pagsasanay magtrabaho. Nakatulong ang aking pagsasanay sa pagtatrabaho na magkaroon ng kaalaman at inspirasyon para makamit at maging pursigido na maabot ang aking pangarap. Bumbero dahil gusto kong maglingkod sa ating bansa at makatulong sa mga taong nangangailangan. Ang naitulong sakin ng aking pagsasanay magtrabaho sa CandleLight Cafe at sa CDIC, binigyan nila ako ng ideya kagaya nalang sa CandleLight Cafe ito ay nakatulong sakin sa pagpapahalaga ng mga bagay bagay. Yung kahit sa mga maliit na bagay ay dapat pahalagahan. Nakatulong din ito upang magkaroon pa ako ng kaalaman sa aking pinapangarap na trabaho. Sa CDIC naman, dito tinulungan din nila ako na pahalagahan ang aking kapwa at dapat mahalin. Dahil kahit hindi ko kilalala ang mga bata ay natutunan ko na pahalagahan sila at mahalin katulad ng pagmamahal ko sa aking mga kapatid. Ito ay nagbigay sakin ng kaalaman upang pahalagahan ko ang aking kapwa at ang mga taong aking matutulungan. Natutunan ko na makisama at respetuhin ang bawat isa sa kanila.

Dahil sa pagsasanay magtrabaho ay madami akong natutunan para maabot ko ang aking pangarap na maging bumbero at ang mga kaalamang ibinahagi sa akin ng mga ito ay isa sa malaking parte na nangyari sa aking buhay dahil ang mga kaalamang ito ay maaari kong ipamana sa aking magiging pamilya at hanggang sa aking pangalawang buhay.

Blog Entry 9: Important Lesson Learned

Ang isa sa pinaka natutunan ko sa pagsasanay magtrabaho ay ang pagiging responsable sa lahat ng bagay dahil ang pagiging responsable ay isa sa mga kailangan ng tao. Natutunan ko din na magkaroon ng maayos na pakikisama sa lahat ng taong aking makakasalamuha. Natutunan ko na makisama dahil isa ito sa kailangan sa pagtatrabaho dahil kung wala kang pakikisama sa mga kapwa mo nagtatabaho, wala kang makakaramay sa mga bagay bagay lalo na sa problema mo sa iyong trabaho. Natutunan ko din na magkaroon ng tiwala sa sarili na humarap at makisama sa mga taong nakakasalamuha ko. Natutunan ko at nagkaroon ako ng positibong pananaw sa mga bagay na aking nararanasan. Natutunan ko din na magkaroon ng pagpapahalaga sa mga bagay na giangawa ko at natuto ako na maging masaya sa aking mga gagawin upang hindi ako mahirapan dahil kung masaya ka sa ginagawa mo hindi mo mararamdaman na nahihirapan ka. Ang pagiging responsable ang pinaka natutunan ko dahil dito nagagawa ko ng maayos ang aking pagsasanay magtrabaho.

Blog Entry 8: Featured Employee

Ang aking ipinepresenta na empleyedo ay si Kuya Mak Mak ng Candle Light Cafe. Siya ay isang empleyado na may pagmamahal sa kanyang trabaho. Binibigyan niya ng halaga ang kanyang mga ginagawa at pinapahalagahan niya ang mga bagay na meron siya. Isa siya sa empleyado na kailangan sa isang trabaho dahil nasa kanya ang katangian ng isang mang-gagawa na wala ang iba kagaya nalang ng pagbibigay niya ng buong oras niya sa pagtatrabaho at ginagawa niya ang lahat para hindi mawala ang katapatan at pagrespeto sa kanya ng iba niyang empleyado. Si Kuya Mak Mak ay isa sa aking iniidolo pagdating sa pagtatrabaho dahil magaling siya makisama sa mga nakakasalamuha niya at nagbibigay galang siya sa mga taong kanyang nakakausap at nakakasalamuha. Tapat, may pagmamahal, at masaya siya sa kanyang ginagawa bilang isang empleyado. Si Kuya Mak Mak ay isang empleyado na kailangan at isa siya sa mga empleyadong tutulong sa pag-unlad ng isang kompanya dahil may katangian siya na hindi makikita sa iba.

Blog Entry 7: If I Were a Boss

Kung ako ay magiging boss sa CDIC, papanatilihin ko din ang pagkakaroon ng polisiya na magkaroon ng katahimikan para hindi naaabala ang mga bata sa kanilang pag aaral. Papanatilihin ko din ang tamang pagpasok sa oras ng mga empleyado.  Kung ako ay magiging boss ibubuhos ko ang lahat ng aking makakaya para umunlad ito. Ipagbibigay alam ko sa aking mga empleyado na panatilihin ang magandang pakikisama sa kanilang mga tinuturuan at lalong lalo na sa mga magulang. Ipagbibigay alam ko din sa kanila na gawin nila lahat ng kanilang makakaya upang may matutunan ang mga bata at magkaroon ng kinabukasan. Ipagbibigay alam ko sa kanila na gawin nila ng ayos ang kanilang mga ginagawa at mahalin nila ito, hindi lang pagmamahal sa trabaho pati narin sa kanilang mga estudyanteng tinuturuan.

Kung ako ay magiging boss gagabayan ko ang aking mga empleyado patungo sa maayos na landas at ituturing ko sila na isang kapamilya. Magbibigay ako sa kanila ng maayos na pakikisama upang magkaron sila ng inspirasyon upang gawin nila ng maayos ang kanilang mga trabaho.

Blog Entry 6: My Featured Work Place 2

 

Ang Candle Light Cafe ay isa sa lugar na aking napagtrabahuhan na may maayos na organisasyon para mapanatili ang kultura ng sining. Sa isang linggo na pagsasanay ko sa pagtatrabaho dito natutunan ko na pahalagahan ang sining at ang ating kinagisnan. Dito tinutulungan nila ang mga tao na may kakayahan sa paggawa ng sining, tinutulungan nila ito na linangin o hubugin ang kanilang kakayahan sa paggawa ng sining.

Ang mga sining na makikita dito ay nagbibigay inspirasyon sa lahat ng tao na pumupunta dito lalo na sa mga taong may kakahayahan sa paggawa ng isang sining. Ang mga sining na makikita dito ay nagbibigay aliw sa mga tao dahil ito ay binubuo ng maramig kulay at makadamdaming paglalarawan.

Ang mga tao dito ay may pakikisama at masayang nakikitungo sa mga taong pumupunta. Nagbibigay galang sila sa lahat ng tao maging sa matanda man o sa bata. Sa pagsasanay ko dito masasabi kong isa ito sa lugar na maayos pagtrabahuhan dahil nandito ang mga katangian ng isang mang-gagawa na kailangan sa pagtatrabaho. Ito ay lugar na kung saan ang lahat ng tao ay may pagkakataon na linangin o hubugin ang kanilang kakayahan sa larangan ng sining.

Blog Entry 5: What is Most Difficult at Work

”Ang isa sa pinakamahirap sa pagsasanay magtrabaho ay ang pakikisama o pakikisalamuha mo sa ibang tao na hindi mo gaanong kakilala.”

Ibabahagi ko sa inyo ang isa sa pinakamahirap na aking naranasan sa dalawang linggo ng pagsasanay sa dalawang magkaibang lugar. Para sa akin ang pakikisama ay napakahirap gawin lalo na at bago pa lang sa trabaho. Sa pagsasanay sa trabaho kailangan mong makisalamuha sa ibat ibang personalidad o katangian ng ibang tao. Bilang isang empleyado kailangan mong ibagay ang personalidad mo sa taong nakakasalamuha mo. Sa dalawang linngo ng pagsasanay dito ko natutunan kung paano mo iaayon ang sarili mo sa ibang tao, at kung paano mo babaguhin ang ibang katangian na meron ka na hindi magugustuhan ng ibang tao. Dito mo matutunan kung gaano kahalaga ang pakikisama sa mga taong nakapaligid sayo.

Ang mga natutunan ko sa aking dalawang linggo ng pagsasanay ay magkaron ng pakikisama at pag galang sa lahat ng taong nakapaligid sayo hindi lamang sa mga taong mataas ang posisyon sayo, kundi pati nadin sa mas mababa sayo. Natutunan ko din na wag kang pipili kung sino ang taong pakikisamahan mo.

Blog Entry 4: The Value of Hard Work

 

 

Ang pagiging masipag ng isang tao ay likas na para sa ating mga Pilipino.  Pagiging masipag ito ay isa sa mga kaugalian ng maraming tao na tinataglay. Pagkakaroon ng kusa sa mga gawaing alam nating makabuluhan at kakaibang kagustuhang gawin o tapusin ang isang bagay kapalit man ay pagod at sakit ng katawan. Ito ay ilan sa mga depinisyong malinaw na naglalarawan sa kasipagan. Ngunit hindi sapat ang mga ito. Ang pagiging masipag na wala naman sa kaukulan at tamang oras ay walang kabuluhan, kailangan ang pagiging maagap. Panahon at oras ang syang ikinokonsidera.

Ano nga namang silbi ng pagiging masipag mo kung hindi mo naman isasaalang-alang ang oras at panahong kailangan mo upang matapos ang iyong gawain? Wala. Samantalang kung maagap tayo at mapanahong tao, masusukat natin ang ating kakayahang tapusin ang isang bagay hindi lang dahil ginusto natin, kundi dahil kinakailangan din. Kumikilos ng ayon sa rekwayrd at kailangang oras kahit pa hindi tinataglay ang kasipagan. Sa ganong paraan, nagagamit natin ng sapat ang ating kakayahan sa sapat ding oras. Tunay at hindi mapagkakailang tama at wasto.

Ano nga ba ang kahalagahan ng pagiging masipag? Kung ikaw ay masipag na tao lahat makakamit mo. Kaya mong makamit ang iyong tagumpay kung ikaw ay isang masipag na tao. Dahil kahit hindi ka matalino o mahina kang makaintindi pero kung ikaw ay masipag lahat ng iyon ay iyong matutunan. Naniniwala ako na talo ng masipag na tao ang isang taong matalino. Dahil aanhin mo ang talino mo kung wala ka namang sipag sa mga bagay na gagawin mo. Lamang ang pagiging masipag dahil mas handang matuto ang masisipag kesa sa mga matatalino. Handang pagpurigihin ng masipag ang isang bagay dahil gusto niya iyo kaya hindi malabong makamit ng isang masipag na tao ang kanyang tagumpay.

 

Blog Entry 3: My Featured Work Place

 

Ang CDIC ay isang organisasyon na tumutulong sa mga batang hindi mo masasabing normal bilang isang bata. Sa isang linggong pamamalagi namin dito ay natutunan ko na dapat pahalagahan natin ang mga taong nakapaligid sa atin. Dapat magpasalamat tayo sa lahat ng bagay na mayroon tayo, hindi lahat ng bata ay katulad natin. Makikita mo na kahit hindi sila pang karaniwang bata ay nagagawa pa rin nilang maging masaya sa pamamagitan ng kanilang mga pamilya at mga taong handang tumulong sa kanila sa lahat ng bagay.

Masaya na ipinakita sa amin kung gaano natin dapat pahalagahan ang lahat ng tao karaniwan man o hindi. Matututunan din ng bawat tao na tumulong sa kapwa nila. Sa pamamagitan ng mga bata sa CDIC ay naging isang magandang regalo sila para sa kanilang mga pamilya higit ay sa paningin ng diyos.

Ang mga kabataan dito ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga taong nakakasalamuha nila. Sila ay nagbibigay ng saya at nagpapagaan ng loob sa mga taong nakakaranas ng problema. Ako bilang estudyante na nakaranas na makasalamuha sila masasabi ko na hindi sayang ang aking pag eensayo sa pagtatrabaho dahil binigyan nila ako ng inspirasyon at pananaw upang makamit ko ang aking tagumpay.

 

Blog Entry 2: Most Important Attitude in a Workplace

Maraming ugali ang kailangan natin sa ating lugar na pinagtatrabahuhan. Isang importanteng katangian ay ang pagiging masipag, responsable, pagiging matapat at pakikisama. Ang pagiging matapat ay isang magandang katangian na dapat taglay ng isang manggagawa. Ang pagiging matapat na siguro ang pinakamagandang ugaling nakasanayan ng tao. Tinuturuan ka nito kung paano maging totoo sa mga taong nakapaligid sayo. Bilang empleyado kailangan mong makisama sa kapwa mo empleyado maging sa nakakataas sa iyo. Ang pagiging masipag na empleyado naman ay malaki ang maitutulong sa lahat ng bagay sa kompanyang iyong pinagtatrabahuhan. Ang pagiging responsable ay isa sa pinakaimportante o mahalagang katangian. Dahil kapag ikaw ay isang responsableng empleyado, pagkakatiwalaan ka ng nakakataas sa iyo. Para sa akin sobrang halaga ng mga katangian na iyan. Kapag ikaw ay may ganyang katangian magiging isa kang tanyag o magtatagumpay ka sa iyong buhay at makakamit mo ang tagumpay na iyong hinahangad.

Blog Entry 1: My First Day on my Work Immersion

 

 

Sa unang araw ng pagsasanay sa pagtatrabaho maraming empleyado kaming nakilala, mga tao na alam namin na matutulungan nila kami patungo sa magandang kinabukasan. Sa unang araw sa Candlelight Café, ipinakita sa amin ni Gng. Marichu ang ibat ibang imahe, at mga sining na alam namin na sa bawat larawang iyon ay may magandang karanasan na nakapaloob. Ibinahagi sa amin ni Gng. Marichu ang kanyang mga naging pagsubok patungo sa kanyang tagumpay. Makikita mo sa Café na ito ang ibat ibang kulay na nagbibigay inspirasyon sa lahat ng tao na makakakita.

Habang nililibot ito ng mga bawat taong kumakain dito, ay mapapansin mo sa kanila ang pagkamangha sa bawat bagay. Makikitang mong nagagalak sila sa kanilang mga nakikita. Itinuro din sa amin kung paano gumuhit, magpinta at gumawa ng mga napakagandang bagay, na masasabi mong napakasayang linangin ang larangan ng sining. Ipinapakita dito ang kahalagahan ng sining sa bawat pumupunta dito dahil binigyan ni Gng. Marichu ng halaga ang mga simpleng bagay ay kayang baguhin patungo sa nakakamanghang bagay.