Ang isa sa pinaka natutunan ko sa pagsasanay magtrabaho ay ang pagiging responsable sa lahat ng bagay dahil ang pagiging responsable ay isa sa mga kailangan ng tao. Natutunan ko din na magkaroon ng maayos na pakikisama sa lahat ng taong aking makakasalamuha. Natutunan ko na makisama dahil isa ito sa kailangan sa pagtatrabaho dahil kung wala kang pakikisama sa mga kapwa mo nagtatabaho, wala kang makakaramay sa mga bagay bagay lalo na sa problema mo sa iyong trabaho. Natutunan ko din na magkaroon ng tiwala sa sarili na humarap at makisama sa mga taong nakakasalamuha ko. Natutunan ko at nagkaroon ako ng positibong pananaw sa mga bagay na aking nararanasan. Natutunan ko din na magkaroon ng pagpapahalaga sa mga bagay na giangawa ko at natuto ako na maging masaya sa aking mga gagawin upang hindi ako mahirapan dahil kung masaya ka sa ginagawa mo hindi mo mararamdaman na nahihirapan ka. Ang pagiging responsable ang pinaka natutunan ko dahil dito nagagawa ko ng maayos ang aking pagsasanay magtrabaho.